Dream ko talaga maging pusa, pero hindi pusang gala, pusang itim, o pusakal (pusang kalye) na super BZ 2 da max ever sa panghahala ng daga para sa kanyang minindal ever chenezz... Oo na! tigre yan di pusa, eh ano ngayon... eh sa yun ang gusto ko eh! grrrrh.... Pussycat kaya ang type ko, cutie cute cute devah...ganyang ganyan din ang katawan ko nong di pa ako natitikman ng pakenshet kong fafa. Basahin nyo na lang blog ko para makilala nyo si Bluebberie ng husto.



bluebberie

Mood:Galak na Galak!

Lafang:Manok

Toma:Gin

Ginagawa:
Nakatingala habang nagyoyosi

Iniisip:Dumating na! (N90)

Music:Same ground
Si ako kaya... Mukha talaga akong anghel sabi ng nanay ko.
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

Ito ang mga araw na tumunganga ako, nagbisi bisihan at kayod kalabaw kaya....at syempre mga araw na embyerna sa pakenshet kong fafa.
{ Mga kaluluwang dumalaw sa blog ko. }
Mesothelioma
Mesothelioma
"Japan Weather"
(KIX)
The WeatherPixie


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Dec 24, 2005
Pasko na!

Hanggang ngayon excited parin ako sa pasko kahit di na ko masyado bata pero di pa ako matrona  malayoo.......pa hehehhee makikita-kits kami ng mga kapamilya at mga kapuso ko at syempre di mawawala ang lafang at toma mga gifts sa ilalim ng christmas tree na gustong gusto ng buksan kahit ako din ahiahiahi.. inabot kami ng 4:30 a.m sa katotoma at kalalafang ala na atang katapusan, pero talagang masaya ang pasko kasi etuh lang ata ang panahon na kakain kayo ng sabay sabay kahit di magkasya sa lamesa dahil bawat taon may nadadagdag na kapamilya o kapuso ngeaks....pero mas masaya sana kung andito fafa ko at sana bati na kami umuwi kasi sya sa kanila 4 days lang naman bukas andito na cya.

PURE POWER QUOTES"Where will you be ten years from now if you keep on going the way you are going?"

Posted at 01:41 pm by bluebberie
Make a comment  

Dec 20, 2005
Fuyu yasumi...

Last day sa school ng mga dyonakis ko kaya half day. After school punta maki Market Market para bumili ng pang exchange gift sa party naman sa A.Alabang bukas kasi may christmas party ang gonen ni kumi  class ng cutey boy ko sya na pinapili ko kasi sa classmate naman nya mapupunta eh bahala sila di ko alam ang mga gusto nila noh. o, sya pakatapos don punta naman sa Embassy para kunin yung passport nya kelangan kasi sya pumirma. Haayy sa wakas nakauwi din... at naidlip ata.....

PURE POWER QUOTES"The busy bee has no time sorrow."

Posted at 10:17 pm by bluebberie
Make a comment  

Dec 17, 2005
Christmas Party...

Di na talaga maawat ang christmas eto at kahit saan may Tipar sigurado ang dami na naman ang may diabetes next year sa sobrang tsibug hehehhe Christmas party ngayon ng ballet school ng girly ko kaya heto excited naman sya kasi may mga games silang gagawin at syempre ang exchange gift nila. Syempre dahil party na nila ibig sabihin next year na uli kita kits namin ibig sabihin parin bakasyon na ako sa kababantay sa kanya sa ballet... haayyy makakapahinga na rin ng kunti lang.

PURE POWER QUOTES"The power that has created us has put everything here for us, and it is up to us to deserve and accept."

Posted at 09:38 pm by bluebberie
Make a comment  

Dec 16, 2005
Naghahabol para sa christmas...

Eto ako parang tanga naghahabol ng pamimili ng gifts para sa mga sisteret ala talaga kasi akong balak na mamili kasi kulang sa time siksikan sa mall eh ayoko nga makipag gitgitan lalo na kung ang matatapat sayo eh mukhang isang taon ng di naliligo o kaya amoy baol ni lola heheehheh(sama ko) sa totoo lang ala kasi ako datung kaya ayaw mamili alang pambili yun yon. Henewie, sa SM na din ako nagbayad ng mga bills ko sa bahay ayaw ko kasing may maiwan na bayaran o utang sa taon na to malas daw na may nakabuntot pa na problema sa bagong taon eh puro kamalasan na nga inabot ko this year lalo na ngayon di parin kami nag uusap ng pakenshet kong fafa, hay tsaka ko na kwento mahaba haba eh baka di kayo ready ahiahiahi....

PURE POWER QUOTES"You may not be able to do all you can find out, but make sure you find out all you can do."

Posted at 09:05 pm by bluebberie
Make a comment  

Dec 14, 2005
My Mama....

Nagpunta ako sa MAKRO namili ng ipapadala sa aking nanay na nasa probinsya (bicolana to) matagal na nga akong di nakakapag padala sa kanya gabi-gabi na nga ako kinukolet ng aking budhi (nyaks) na masama na akong anak dahil di ko man lang sulatan ang aking mahal na ina (malabo na mata nanay ko) o kaya i text o tawagan sa cellphone (di marunong gumamit ng cellphone at kaaway ang may ari ng cellphone makiki pake lang) haayy.... ang hirap naman nyang abutin! pero natutuwa talaga ako habang namimili kasi alam kong magugustuhan nya at syempre wag kalimutan ang pangpa beauti nya aba, ganda ng lola nyo pa ang aking nanay!! namimiss ko na nga sya kahit mas makulet pa sa akin eh luv ko talaga yun kahit sobra talaga ang kulet....kulet....kulet.... hehheheh

PURE POWER QUOTES"What things so ever ye desire when ye pray, believe that ye recieve them, and ye shall have them."

Posted at 09:33 am by bluebberie
Make a comment  

Dec 12, 2005
Back to normal

Ngayon lang ako makakapag grocery na lagi kong ginagawa ng sabado o linggo dahil nga naging busy ako last friday,saturday and sunday. Kelangan ko na rin magbayad ng tuition for January, February, and March, haayyy... puro labas datung la naman napasok kaya nga etong December na to parang di masyado hapi kasi ang mamahal na ng lahat buti na lang maraming tyangge hehehe (mahal din), pero enjoy din naman magpunta sa mga tyangge kung anik anik ang makikita mo kaya lang la pambili, nyak!

PURE POWER QUOTES"You maybe disappointed if you fail, but you are doomed if you don't try."

Posted at 09:21 am by bluebberie
Make a comment  

Dec 11, 2005
THE DAY!

Maaga akong gumising para e prepare ang costumes at make-up, alis kami 12:00 kasi meron paring praktis! ano ba yan parang ala ng katapusan pero sige na nga sabi daw ni titser eh. Hinatid ko langsila ni yaya kasi PA si yaya eh di naman ako pede pumasok kaya nagpunta na lang ako sa market market para bumili ng flowers para sa recitalist ko, enpeyrnes sa market2 mura at magaganda ang flowers nila at libre pa magpa dagdag! hehehhe mahilig talagaako sa libre, shaks! nakabili din ako ng pears don na pagkalalake!!! 18 pesos lang 1 eh talagang malake huh galing China daw yun at enpeyrnes ulet hah masarapppp.... bibili ulet ako hehehhe O, cya umuwi na ako para sundutin este sunduin si fafa at kuya at balik Meralco Theater para mapanood ang aming girly at napaka ganda talaga ng beybe ko! (o, angal ka? blog ko to) hahahhaaTongue gawa ka din para makapag yabang ka din hehehe...

CONGRATULATIONS on your 5th Recital!!! Yumi chan
                                          WE LOVE YOU VERY MUCH!

PURE POWER QUOTES"Think of all the beauty still left around you and be happy."


Posted at 05:57 pm by bluebberie
Make a comment  

Dec 10, 2005
Meralco parin....

12:00 pa lang nasa Meralco Theater na kami para sa kanilang technical rehersal 3:00 p.m hanggang 6:00 ang show kaya hindi na magkanda mayaw ang mga ulirang mga nanay sa pag pipintura este pag mamake-up sa mga batuting, kelangan cutey cute cute sila kasi pwede ang camera and videos 2day (bukas di na pwede) stage mother talaga ang dating noh ahiahiahi....

PURE POWER QUOTES"Reality is created by the mind. We can change our reality by changing our mind."

Posted at 05:20 pm by bluebberie
Make a comment  

Dec 9, 2005
Mahirap maging dakilang ina...

Totoo yan, pero masarap naman kahit ano pang hirap at pagod kahit maging isang dakilang drayber at alalay ka pero kung sa minamahal mong (beybe) ay oks lang yun. Sencya na nagsesenticry muna ako. Nagpunta ako sa Market market   (lapit sa school ng dyonakis ko) bumili ako ng make-up para sa girly ko kasi sa linggo na ang recital nya sa ballet sa Meralco Theater lang naman hehhee(bongaecious diba) gagawin at ipagmamalake ko lang ng kunti hindi marami na lang na walong taon pa lang ang girly ko nag start cya sa ballet 4 years old at di lang yan, nag jazz, silver medalist lang naman sa taekwondo competition sa Philippine Plaza, at contemporary ballet, at mga (mga) awards sa ibat ibang activities nya. O, sige tapos na akong magyabang wag kang mag cocoment ng di maganda baka paluin kitaAngry hehehehe...Itutuloy ko na nangyari 2day, nagpunta kami sa Meralco Theater para sa praktis nila at inabot lang kami ng 10:00 ng gabi! Grava talaga ang lamig ng hayof na theater para kaming karneng ipinasok sa freezer! kaya sumaket na naman ang pakenshet kong migraine, eh ano magagawa ko eh ulirang ina nga kaya nagpaka yelo sa loob ng 6 na oras sa theater. Naalis naman ang tigas ng katawan ko kasi... kasi... kasi nga! dumating na ang isang linggo ko ng iniisip na cellphone!!! Big Smile( N90) lang namanTongue hayy sarap ng feeling..... ahiahiahii

PURE POWER QUOTES"He who thinks himself the happiest man really is so."

Posted at 11:14 am by bluebberie
Make a comment  

Dec 8, 2005
BZ talaga, pramiz!

Syempre hatid muna sa school mga dyonakis ko (drayber lng po). Nagpunta ako sa SM (makati) dyan ako nagbabayad ng bills ko sa bahay mabilis na malamig pa at syempre di mawawala ang paboritong kong gawin ang mag window shopping (window lng la da2ng) hehehhe pakatapos kong magbayad kahit may suminget sakin sa pila (babae pa naman cya) eh ok na rin di mainit ulo ko maaga pa eh, nakapamili ng kunting gifts para sa mga pamangkin ko at sa mga sisteret and frends enjoy talaga mag isip at bumili ng gifts sa mga luv 1ns mo lalo na kung mura lang! nyaahh.. (sana wag nila mabasa to). Umalis agad ako kasi may meeting pa sa mga sensie (titser) ng mga dyonakis ko, as usual sumaket ang maliit kong brain at namilipit na naman ang dila ko sa pakikipag usap sa mga hapong sensie sa school hirap ng di magka intindihan para kaming mga tanga eh tanga na nga, buti na lang sa pagkaka unawa ko sa aming pag uusap eh la namang problema sa mga anak ko di sila pasaway (di tulad ko) at mga anghel din sila (parang ako) sa school kaya nabunutan ako ng kaba akala ko kasi baka maging basagulero sila (gaya ng fafa ng bata pa yun) buti na lang nagmana sa akin na mala anghel ang ugale ahiahiahi        (sa totoo lang naman) humirit pa. Sige na nga slayt lang! nge!

PURE POWER QUOTES"First we make our habits, then our habits make us."


Posted at 10:40 am by bluebberie
Make a comment  

Next Page